Hanap niyo ba ay libreng training sa TESDA?
Ang MuntiParLasTaPat (MPLTP) District ng TESDA ay may mga FREE scholarship programs katulad ng Bookkeeping NC III, Computer System Servicing NC II, Driving NC II, at marami pang iba!
Makipag-ugnayan lang sa MPLTP District Office gamit ang sumusunod na detalye:
Email: ncr.muntiparlastapat@tesda.gov.ph
Telephone: 8-886-5306
Cellphone: 09171308601 (globe) 09399222728 (smart)
Maaari rin bumisita sa opisina ng TESDA – NCR MuntiParLasTaPat District sa Bldg. 8, East Service Road, South Luzon Expressway, Taguig City, Metro Manila, Philippines.
Maging TESDA Scholar na!
LIS OF FREE TESDA SCHOLARSHIP PROGRAMS (NCR)
Courses Offered | Duration |
---|---|
3D Animation NC III | 1,100 hours (25 slots) |
Agricultural Crops Production NC II | 336 hours (75 slots) |
Automotive Servicing NC I | 469 hours (25 slots) |
Barangay Infectious Disease management Services Level II | 88 hours (100 slots) |
Barista NC II | 178 hours (200 slots) |
Bartending NC II | 438 hours (125 slots) |
Basic Motorcycle Driving | 40 hours (100 slots) |
Bookkeeping NC III | 292 hours (398 slots) |
Bread and Pastry Production NC II | 141 hours (250 slots) |
Caregiving NC II | 786 hours (100 slots) |
Computer Systems Servicing NC II | 280 hours (70 slots) |
Construction Painting NC II | 178 hours (50 slots) |
Contact Center Services NC II | 144 hours (149 slots) |
Contact Tracing Level II | 120 hours (125 slots) |
Cookery NC II | 316 hours (175 slots) |
Dressmaking NC II | 280 hours (125 slots) |
Driving NC II | 118 hours (425 slots) |
Driving (Passenger Bus/Straight Truck) NC III | 122 hours (25 slots) |
Electrical Installation and Maintenance NC II | 196 hours (200 slots) |
Electrical Installation and Maintenance NC III | 160 hours (100 slots) |
Electronics Products Assembly and Servicing NC II | 260 hours (150 slots) |
English Proficiency for Customer Service Workers | 100 hours (500 slots) |
Events Management Services NC III | 108 hours (25 slots) |
Food and Beverage Services NC II | 356 hours (150 slots) |
Food Processing NC II | 568 hours (50 slots) |
Game Programming NC III | 1,234 hours (25 slots) |
Gas Metal Arch Welding (GMAW) NC II | 268 hours (50 slots) |
Housekeeping NC II | 436 hours (150 slots) |
Japanese Language and Culture Level I | 150 hours (350 slots) |
Japanese Language and Culture Level II | 300 hours (150 slots) |
Masonry NC I | 123 hours (50 slots) |
Mechatronics Servicing NC II | 158 hours (100 slots) |
Mechatronics Servicing NC III | 196 hours (150 slots) |
Motorcycle/Small Engine Servicing NC II | 650 hours (25 slots) |
Plumbing NC I | 168 hours (75 slots) |
Plumbing NC II | 210 hours (75 slots) |
PV Systems Installation II | 284 hours (125 slots) |
RAC Servicing (DomRAC) NC II | 480 hours (25 slots) |
Rigging NC I | 116 hours (25 slots0 |
Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC I | 268 hours (75 slots) |
Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II | 268 hours (125 slots) |
Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC III | 120 hours (75 slots) |
Ship’s Catering Services NC I | 50 hours (225 slots) |
Slaughtering Operations (Swine) NC II | 280 hours (25 slots) |
Spanish for Different Vocations | 100 hours (250 slots) |
Tile Setting NC II | 117 hours (50 slots) |
Trainers Methodology Level I | 264 hours (250 slots) |
Urban Aqua Farming Level II | 192 hours (50 slots |
Visual Graphic Design NC III | 501 hours (75 slots) |
Online Application System for Scholarship Programs
https://t2mis.tesda.gov.ph/Barangay
UNIVERSAL ACCESS TO TERTIARY EDUCATION
Libreng edukasyon ang hatid ng Republic Act 10931 o UAQTEA.
Kasama rito ang libreng competency assessment, allowance at toolkits.
Para maka-avail, siguraduhing pasok sa sumusunod na kwalipikasyon:
- May sampung taon na basic education at iba pang requirement na nakasaad sa Training Regulation ng napiling kurso
- Sumailalim na sa NCAE/MATB/YP4SC Profiling
- Hindi college graduate
- Hindi holder ng National Certificate III o mas mataas pa, maliban na lamang kung enrolled sa Level IV bundled programs o Diploma courses
- Walang scholarship grant galing sa ibang ahensya ng gobyerno
- Filipino citizen
PRIVATE EDUCATION STUDENT FINANCIAL ASSISTANCE
Ang PESFA ay program ng TESDA na nagbibigay tulong pinansyal para sa mga marginalized ngunit karapat-dapat na mga estudyante ng tech-voc education at training.
Kung ikaw ay…
- Labinlimang (15) taong gulang pataas sa simula ng training program
- Nakatapos ng 10-yr basic education
- ALS Graduate
- Hindi lagpas 300k ang taunang kita ng pamilya
- Filipino citizen
SPECIAL TRAINING FOR EMPLOYMENT PROGRAM
Ang STEP ay programa ng TESDA para sa mga mamamayan na nagnanais magkaroon ng skills na magagamit sa pagnenegosyo o sariling hanapbuhay.
Pumili sa mahigit 70 qualifications o training sa ilalim ng STEP.
Kung ikaw ay…
- Hindi bababa sa labinlimang (15) taong gulang sa simula ng training program
- Filipino citizen
- Pwedeng mag-avail ng…
- Libreng training at assessment
- Libreng entrepreneurship training
- Libreng starter tool kits
TRAINING FOR WORK SCHOLARSHIP PROGRAM
Ang TWSP ay sagot sa isyu ng “job skills missmatch.” Layunin nito na matiyak na ang “labor force requirement” ng industriya ay mapupunan.
Pumili sa mahigit 230 qualifications o training sa ilalim ng 18 sectors.
Kung ikaw ay…
- Hindi bababa sa labingwalong (18) taong gulang sa pagtatapos ng training program
- Filipino citizen
- Pwedeng mag-avail ng…
- Libreng skills training
- Libreng assessment
Frequently Asked Questions
Ano ang mga libreng kurso o training mula sa TESDA at anu-ano ang mga requirements?
Mayroong daan-daang available courses na pwedeng pagpilian ng mga mag-aaral. Maaaring magtanong ang sinumang interesado sa pinakamalapit na provincial o district offices sa kanilang lugar para malaman ang mga available na kurso.
Karamihan sa mga technical-vocational courses na iniaalok ng TESDA ay kailangan ng high school diploma. Ang iba pang mga entry requirements ng mga training regulations ng iba’t-ibang kurso ay makikita sa link na ito:
https://www.tesda.gov.ph/Download/Training_Regulations
Tumatanggap ba ang TESDA ng ALS graduates sa kanilang mga training programs?
Oo. Ang TESDA ay tumatanggap ng mga aplikante na nagtapos sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS).
Mayroon bang age requirement sa pagkuha ng scholarships sa TESDA?
Karamihan ng mga kurso ay nire-require na dapat ay edad 18, pero, mayroong mga training programs na tumatanggap ng mga scholars o trainees na mas mababang edad sa 18.
Paano ako ma-assess bilang certified skilled worker at magkano ang assessment fee?
Para maging TESDA National Certificate (NC) holder, kailangan mong pumasa sa Competency Assessment.
Sa pangkalahatan, ang assessment fees ay kasama na sa ilang TESDA scholarship programs (gaya sa TWSP, STEP, and Competency Assessment and Certification for Workers (CACW). Ang fees na ito ay para lamang sa mga materyales na ginamit sa assessment.
Gayunpaman, may ilang ibang skills assessment na mayroong minimal fee na dapat bayaran.
Ako ay isa ng skilled worker. Kailangan ko pa bang kumuha ng skills training upang ma-certify ng TESDA?
Kung mayroon ka nang sapat na karanasan sa iyong kuwalipikasyon at kasalukuyan nang nagtatrabaho, maaari kang makapag-avail ng libreng assessment na tinatawag na Competency Assessment and Certification for Workers (CACW).
Sa ilalim ng Republic Act No. 7796 o Technical Education and Skills Development Act ng 1994, ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay itinatag sa pagsasanib ng National Manpower and Youth Council (NMYC), Bureau of Technical-Vocational Education ng Department of Education, Culture and Sports (BTVE-DECS) at Office of Apprenticeship ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa kasalukuyan, ang TESDA ay ang sangay ng gobyerno na naatasan upang pangasiwaan ang technical-vocational education at training (TVET) system sa bansa.
Maliban sa pagpapatupad ng iba’t-ibang programa at proyekto, ang TESDA ay nagtatakda rin ng policy directions at guidelines ng resource allocation para sa mga pribado at pampublikong TVET institutions.
Gusto kopo sana magtesda ng caregiving ang mahal ng school yon po sanang sa tesda mismo
Gusto ko pong mag aral Ng tesda.saan po pwedeng mag aral po
Kahit saan pwede, inquire ka sa tesda sa lugar nyo
Good day po. Gusto ko po sanang mag enroll sa inyo first timer po. Paano po ba.
ask: Date of assesstment this 2023 -computer system servicing and where is the place.
Check here https://tesda.gov.ph/AssessmentCenters/
Sir/Mam
Good day!
Ask ko lang meron akong anak meron na sya certificate of complation thru online sa computer system servicing last year 2022.But formerly she schooling 2years but naabutan nang expiration.Pwede na bang mag aplay o kumuha nang national certificte? kung pwede,may i know saang lugar ang mayroon schedule nang assesstment at anong date this year 2023
Check here https://tesda.gov.ph/AssessmentCenters/
Sir/Maam,
Greetings!
I have two students coming from Buguias, Benguet and Albuera, Leyte who would like to take up Housekeeping and Organic Agriculture. Do you have scholarships available? May I also know the location and schedule of training if available?
Para sa available TESDA courses at scholarship program sa inyong lugar, pwede po kayong tumawag sa TESDA office sa inyo.
Pwede rin po kayong magregister online sa https://t2mis.tesda.gov.ph/Barangay para makapag-apply sa mga TESDA scholarship programs.
Magtungo din sa link na ito: https://www.e-tesda.gov.ph/ para makapag-aral ng mga libreng course online. Thank you!